Abot-kamay na ng Pilipinas ang target na makapagbakuna ng 1.5 million doses ng COVID-19 vaccine kada araw.
Ito’y makaraang makapagturok ang pamahalaan ng kabuuang 1,239,981 doses ng COVID-19 vaccines noong Huwebes, ang pinakamataas na daily vaccination sa kasalukuyan.
Batay sa datos ng National Vaccination Operations Center, umabot sa 698,500 ang tinurukan ng first dose habang 541,481 sa second dose sa nasabing araw.
Ayon kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, ang pagtaas ng vaccination rate ay bunga ng pagsisikap ng pamahalaan sa tulong ng mga mamamayan kasabay ng pagbaba ng COVID-19 cases.
Isa rin anya itong patunay na nasa tamang direksyon ang bansa patungo sa recovery. —sa panulat ni Drew Nacino