Nakapagtala ang pamunuan ng MRT-3 ng record-high na mahigit 300,000 pasahero nitong Biyernes.
Ayon sa MRT-3, kabuuan itong 309,225 pasahero na sumasakay sa 4-Car Train na nag-ooperate sa linya.
Patuloy naman ang paalala ng MRT-3 sa kanilang pasahero na sumunod sa health and safety protocols laban sa COVID-19.
Magtatagal ang pagbibigay ng libreng sakay ng MRT-3 hanggang Abril 30. —sa panulat ni Abby Malanday