Nakapagtala ang Boracay ng record high na 12, 159 turista na bumisita nitong Huwebes Santo.
Ayon sa Local Government Unit ng Malay, Aklan, karamihan sa mga bumisita ay domestic tourist.
Kahalintulad ito noong pre-pandemic kung saan maraming tao ang dumagsa sa mga beach at pamilihan.
Maliban sa Boracay, bumisita rin ang karamihan sa Cagayan, Ilocos Norte, Batangas at iba pang pasyalan sa bansa.
Sa mga Pilipino namang hindi lumabas sa Metro Manila, ilan sa mga ito ay nagpalipas ng oras sa Quezon City Memorial Circle at Rizal Park kasama ang kanilang mga pamilya. — sa panulat ni Abby Malanday