Naitala ng Social Weather Stations ang “record high” na bilang ng mga pamilyang nabiktima ng cybercrime nitong ikatlong quarter ng taon.
Kabilang dito ang mga nakaranas ng online scams, hacking, at cyberbullying.
Batay sa sws, pumalo sa 7.2% ang mga pamilyang nabiktima ng cybercrime sa buong bansa, mula sa 3.7% noong ikalawang quarter ng 2024.
Sa Metro Manila naman, pumalo ang mga pamilya ng cybercrime sa 12.3%, mula sa 3% lamang noong nakaraang quarter.
Sa luzon, umakyat sa 6.3% ang cybercrime family victims, mula sa 5.2% sa ikalawang quarter ng 2024; 7.7% naman sa Visayas, mula sa dating 1.7%; at 5.7%, mula sa 3%.
Isinagawa ang survey sa 1,200 adult respondents kada pamilya mula nitong September 14 hanggang 23. - Sa panulat ni Riz Calata