Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga local chief executives na simulan na ang pagpa-plano at pagsasaayos ng budget para sa recovery plan sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, malaking bahagi na ng bansa ang nasa low-risk category kaya maaari nang simulan ng mga LGUs ang kanilang mga recovery efforts.
Kabilang na aniya rito ang pagbibgay proteksyon sa trabaho at pagpapalago pa sa mga aktibidad ng ekonomiya sa kanilang mga lokalidad.
Iginiit ni Malaya, kinakailangan nang simulan ng mga lokal na pamahalaan ang mga hakbang para muling makabangon kahit hindi pa natatapos ang laban sa COVID-19 dahil inaasahang mas magiging malala pa ng epekto nito sa ekonomiya at pangkabuhayan.
Tiniyak naman ng DILG na kanilang tutulungan ang mga LGUs sa paghahanda at muling pagbangon sa epekto ng COVID-19 katuwang ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan at Inter-Agency Task Force.