Ang recovery ng dalawa sa tatlong Chinese nationals na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa Pilipinas ay patunay na ang mga kaso nito sa China ay “mild” lamang.
Ayon ito kay Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III, na nagsabi pang batay sa mga report mula sa China na 80 pasyente ay “mild” lamang ang kaso at tila ganito rin aniya ang kaso sa Pilipinas.
Gayunman, inihayag pa ni Duque na 16% hanggang 20% ng mga kaso sa China ay mayroong severe respiratory illness dahil sa 2019 novel coronavirus.
Karamihan aniya sa severe cases na ito ay mahigit 60-taong gulang na at mayroon nang mga sakit.