Pinasisimulan na ni Congressman Joey Salceda sa gobyerno ang recovery phase sa mga lugar na naapektuhan nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Salceda na mahalagang masimulan na ng local governments, katuwang ang national government, ang rehabilitasyon at pagbabalik ng mga linya ng kuryente at tubig sa mga apektadong lugar.
Hinimok din ni Salceda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglatag ng cash for work program para sa mga apektadong residente na nangangailangan ng psychosocial care at stress de briefing.
Kinalampag din ni Salceda maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tumulong sa clean-up drive sa pamamagitan ng kanilang tupad o tulong na panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers program.
Kasabay nito, inihayag ni Salceda na dapat matiyak ang tamang accounting at auditing sa mga donasyon at calamity funds na ginamit.