Pinaghahanda na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang economic team at ilang opisyal ng gobyerno ng recovery plan bago pa matapos ang pinalawig na Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).
Ipinabatid ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) matapos ihayag na mayroon ng ginawang paglalatag ng bahagi ng recovery plan, bagamat kailangan pa ng dagdag na data bago makumpleto ang presentation.
Una nang inihayag ng pangulo na sa ika-20 ng Abril isusumite ng technical working group ang final report nito sa pagbuo ng mga programa para maibalik ang consumer at business confidence sa bansa.