Nagsisimula na ang gobyerno na magsagawa ng konsultasyon para sa pagbuo ng COVID-19 recovery plan ng bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang weekly report alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act.
Ayon kay Pangulong Duterte, sinimiulan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagkonsulta sa civil society organizations at ilang representative mula sa pribadong sektor para planuhin ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Nagsimula na rin umano ang NEDA na tumanggap ng mga rekomendasyon at opinyon mula sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Tina-trabaho na rin umano ng mga pribadong sektor ang draft ng technical paper ng “We Heal as One”
Makikita sa technical paper nito ang tatlong bahagi ng istratehiya ng gobyerno para labanan ang COVID-19.
Ito ay ang response, mitigation, at transition ng bansa sa new normal.