Nakapagtala ang Philippine National Police ng 83% recovery efficiency para sa mga nakaw na sasakyan at motorsiklo.
Batay sa datos ng PNP Directorate for operations, sa 60 carnapping cases, mula September 1 hanggang September 17 ay nasa 50 stolen vehicles ang narekober ng mga awtoridad.
Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr., patunay ito na epektibo ang mga hakbang na ginagawa ng police organization upang mapigilan ang mga masasamang-loob.
Magugunitang lumabas din sa datos ng pnp crime research analysis center na sumadsad ang index crimes sa 34 na kaso noong lunes mula sa 83 kaso noong linggo.
Kabilang ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping sa nasa hanay ng index crimes. - sa ulat ni Gilbert Perdez