Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation o NBI na tugisin ang mga recruiter ng pinatay na Overseas Filipino Worker o OFW na si Joanna Demafelis.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na hanapin at ipatawag ang recruiter ni Demafelis para alamin kung mayroong pagkukulang ang mga ito.
Una rito, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mananagot sa batas ang recruitment agency ng pinatay na Pinay OFW.
Sa ilalim aniya ng umiiral na batas ay maaaring maharap sa kasong sibil at administratibo ang recruitment agency ni Demafelis.
—-