Sasampahan na ng mga kasong kriminal ang mga umano’y recruiters ni Mary Jane Veloso.
Nakakita ng probable cause ang Department of Justice (DOJ) kung kaya’t sa resolusyon ni Assistant State Prosecutor Susan Azarcon, nirekomenda nitong sampahan ng mga kasong qualified trafficking, illegal recruitment, at estafa sina Ma. Cristina Sergio, live-in partner nitong si Julius Lacanilao, at isang kinilalang “Ike.”
Isasampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nasabing kaso sa korte sa Nueva Ecija batay sa sinumpaang salaysay ni Veloso na nakalap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
By Avee Devierte | Bert Mozo (Patrol 3)