Mino-monitor na ng Armed Forces of the Philippines ang recruitment activities umano ng grupong Maute-ISIS sa paligid ng Lanao Lake.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Junior, deputy commander ng task force Ranao, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal at residente upang mapigilan ang recruitment.
Kabilang anya sa mga target na mahikayat na umanib sa Maute-ISIS ang mga kabataan lalo ang mga nagmula sa mahirap na pamilya kapalit ng pera.
Tiniyak naman ni Brawner na mino-monitor din ng mga nasa intelligence division ang mga posibleng nag-po-pondo para sa panibagong recruitment ng mga bagong miyembro ng teroristang grupo.