Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang nagpapatuloy na recruitment umano ng New People’s Army (NPA) ng mga kabataan para isabak sa armadong pakikibaka.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, labis nilang ikinababahala ang ganitong pangyayari sa ilang lugar sa bansa kung saan, may ilang sapilitang kinukuha habang may ilang nililinlang sa maling paniniwala.
Dagdag pa ni De Guia, isang paglabag sa international humanitarian law ang pagrerecruit sa mga kabataan para sumama sa armadong pakikibaka.
Ginawa ni De Guia, ang pahayag kasabay ng paggunita ng international day against the use of child fighters o red hand day.