Nangangailangan ang Philippine National Police (PNP) ng may 18,179 na mga bagong recruit matapos aprubahan ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Batay sa resolusyon ng NAPOLCOM, aabot sa 1,000 Patrolmen at Patrolwomen habang nasa 17,179 naman para sa attrition recruitment.
Sila ang papalit sa mga nagresign, nagretiro, nadismiss o nasawing mga Pulis.
Pinakamarami ang nakalaan para sa National Capital Region Police Office (NCRPO) gayundin ng mga integrees mula sa Moro Islamic at Moro National Liberation Fronts.
Gayundin sa PNP Maritime Group para sa National Support Units maging sa PNP Health Service. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)