Hinamon ng Militar ang New People’s Army (NPA) na itigil na nito ang pagre-recruit ng mga kabataan para gawing child warriors.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) Chief Lt/Gen. Greg Almerol, kung may puso aniya ang NPA, dapat igalang nito ang karapatan ng mga kabataan para magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ginawa ng Heneral ang pahayag matapos na mailigtas ang isang menor de edad at mapatay naman ang tatlong NPA kabilang ang 12 anyos na babaeng child warrior sa magkahiwalay na engkwentro sa Lianga, Surigao del Sur nitong Hunyo 14 at 15.
Giit ng opisyal, hindi ito ang unang pagkakataon na gumamit ng mga child warriors ang NPA dahil batay sa profile ng 1,691 dating rebelde na sumuko mula 2016 hanggang 2020, nasa 12.3 % ang menor de edad.
Ang average age aniya ng mga ito ay 17 taong gulang kung saan ang pinakabata ay 12 taong lang. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)