“I wish her all the best’
Ito ang mensahe ni senate president pro tempore Ralph Recto kay vice president Leni Robredo matapos itong mag-anunsyong tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.
Gayunman, sinabi ni Recto na mananatili ang kanyang suporta sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno.
Tumanggi namang magsalita hinggil sa isyu ang isa pang presidential candidate na si senador Panfilo Lacson dahil nagkasundo aniya sila ni senate president Tito Sotto na huwag mag-komento sa kanilang mga magiging karibal sa halalan.
Ayon naman kay dating senador Antonio Trillianes, natutuwa ang magdalo group sa naging pasya ni Robredo na pamunuan ang tunay na oposisyon sa pagtakbo sa pagka-pangulo.
Hindi siya aniya ang magiging running mate ni Robredo at sa halip ay tatakbo siyang muli sa pagka senador.—mula sa ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)