Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente sa Reed Bank kung saan binangga ng Chinese fishing vessel ang isang bangkang pangisda naman ng mga Pilipino.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, nakikiisa sila sa Department of National Defense (DND), Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensya ng gobyerno sa panawagan sa Beijing na parusahan ang mga mangingisda nitong nang iwan sa mga Pinoy fishermen nang mabangga ang bangkang pangisda ng mga Pilipino.
Kasabay nito, hinimok ni De Guia ang gobyerno na gumawa ng mga hakbangin para maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino at patuloy na maisulong ang soberenya ng bansa sa exclusive economic zone ng Pilipinas.