Nangangamba ang ilang mangingisda sa kanilang buhay matapos ang Recto Bank Incident.
Inamin ito ni Fernando Hicap, pangulo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) dahil naging trauma na sa mga mahihirap na mangingisda ang insidente na maaaring maging dahilan din nang pagkawala ng kanilang hanap-buhay.
Hindi lamang ito aniya ang unang insidente na nagbigay ng takot sa mga mangingisdang Pinoy kundi maging ang mga napapaulat na pagpapataboy ng mga Tsino sa mga bangkang pangisda ng Pinoy fishermen habang nangingisda sa Scarborough Shoal at pagkuha ng kanilang mga nahuling isda na pinalitan ng expired na de lata at noodles.
Ang mga naturang insidente, ayon kay Hicap, ay patunay na China pa rin ang malinaw na may kontrol sa ilang bahagi ng katubigan ng bansa.