Dapat tutukan ng pamahalaan ang pag-abandona ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pilipino matapos na mabangga ang naka-angklang bangkang pangisda ng mga ito sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Ayon kay senate minority leader Franklin Drilon, mas mahalaga ang isyung ito dahil paglabag ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kaya’t maaaring magamit upang mapa-panagot ang China.
Sinabi ni Drilon na sa ilalim ng UNCLOS, obligado ang mga bansa na iligtas ang sinumang nasa panganib sa karagatan.