Hinimok ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pamahalaan na mag-deploy ng mga dagdag na state auditors sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Recto, ito’y upang mabusisi nang husto ang mga liquidations ng PhilHealth matapos mabunyag ang mga umano’y anomalya sa ahensya.
Ipinaliwanag ng senador na hindi sapat ang mga nakatalagang 16 na auditors ng Commission on Audit (COA) sa state firm lalo pa’t tinatayang 35,000 claims kada araw ang pinoproseso nila mula sa mahigit 8,000 ospital at klinika sa iba’t ibang panig ng bansa.