Hinimok ni Senate Pro Tempore Ralph Recto ang pamahalaan na magdeklara ng Anti Dengue Day.
Ayon kay Recto, makatutulong ang isang araw o isang linggong Anti Dengue Campaign para mas mapalakas ang kamalayan ng tao kung papaano masusugpo ang Aedes Aegypti o ang klase ng lamok na nagdadala ng Dengue Virus.
Bagama’t pinuri ni Recto ang pagsisikap ni Health Secretary Francisco Duque III para ipakilala sa publiko ang Four-s Campaign ng ahensiya laban sa Dengue, kulang aniya ito sa mga mas masisiglang aktibidad.
Iginiit ng Senador, mas tataas ang kalaaman ng publiko hinggil sa Dengue kung sasabayan ito ng mga aktibidad sa mga paaralan, opisina, malls at iba pang mga lugar.
Inihalimbawa pa ni Recto, ang matatagumpay na mga kampanya para sa kalusugan ng yumaong Senador at dating Health Secretary Juan Flavier tulad ng Oplan Alis Disease na nagpo-promote ng Universal Vaccination sa mga kabataan.