Waste Philippine Sea !
Ito ang inihayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, hindi lamang ginawang reclamation area ng China ang West Philippine Sea, ginawa pa itong toilet dahil sa pagtatapon ng dumi o human waste.
Nanawagan naman si Recto sa Department of Foreign Affairs na pag-aralan ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China.
Sinabi ni Recto na dapat imbestigahan rin ng Department of Environment and Natural Resources ang pagtatapon ng human waste ng mga Chinese Vessel sa WPS.
Isa aniya ito sa kailangang tignan ng DENR kung may basehan para magsampa ng kaso sa korte.
Giit pa ni Recto, dahil sa ginawa ng China, dalawa na ang kanilang man-made, una ang Great wall of China na nasa kalupaan at ngayon naman ay Great Wastes of China sa karagatan.
Ipinabatid pa ni Recto na sa ilalim ng domestic at international laws, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa karagatan.