Hindi maliwanag kung paano gagamitin ng punong ehekutibo ang P72.5-B na budget para sa pagbili at pamamahagi ng bakuna na ipinasok sa panukalang 2021 national budget.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, walang detalye kung ilang bahagi nito ang ipambibili ng bakuna at kung magkano ang ilalaan sa storage, transportasyon, kagamitan at training ng magtuturok ng bakuna.
Pinuna rin ni Recto ang hindi pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ng gabinete nung tinatalakay ang panukalang budget sa bicameral conference committee samantalang pwede aniya nila roong sabihin kung ilan ang target na pabakunahan ng gobyerno at kung magkano ang talagang kailangang pondo.
Dahil dito, kinuwestiyon ng senador ang tila hula-hula umanong budget para sa bakuna na ipinasok sa 2021 national budget.