Umapela si Senate President pro tempore Ralph Recto sa gobyerno na paghandaan ang pagtama ng African Swine Fever (ASF) sa gitna ng sunod–sunod na pagkamatay ng baboy sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Recto, sakaling tumama nga ang ASF ay siguradong maapektuhan ang 280 billion pesos na industriya ng baboy sa bansa.
Posible itong magdulot ng pagtaas sa presyo ng lechon, sisig, longganisa, adobo at iba pang pagkain na gumagamit ng karneng baboy.
Kabilang aniya sa dapat na bigyan ng konsiderasyon ay ang pagbibigay ng tulong sa mga maapektuhang hog–raiser.