Nakataas na ang red alert status sa La Mesa Dam kasunod nang pagbuhos ng malakas na ulan simula pa kagabi.
Ayon kay Engineer Teddy Angeles, Plant Manager ng La Mesa Dam, 57 centimeters na lamang ay aabot na sa overflow level nitong 80.15 meters.
Dahil dito, pinayuhan na ang mga residente malapit sa La Mesa Dam na lumikas na bago pa ito umapaw.
Kabilang dito ang mga residente ng North Fairview, Sta. Quiteria, Quirino Highway San Bartolome, Valenzuela, Malabon at Bulacan.
By Judith Larino