Naglabas sa ikalawang pagkakataon ng red alert ang China dahil sa nararanasang smog doon.
Ayon sa National Meteorological Centre, kabilang sa apektado ng smog ang Xian sa Central China hanggang Harbin.
Sinasabing lumala pa ang smog mula nang unang magdeklara ang China ng red alert dahil ngayon, aabot na sa mahigit 2.5 pm ang pollution level sa China.
Una rito, nangako ang China na kanilang papanagutin at ipasasara ang mga gusaling pinanggagalingan ng polusyon sa kanilang bansa.
By Ralph Obina