Pinaghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko hinggil sa maulang weekend dulot ng Bagyong Auring.
Inihayag ito ng NDRRMC makaraang magpulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kagabi sa pamamagitan ng video conferencing.
Nagbabanta ang Bagyong Auring sa Caraga Region kung saan ito inaasahang magla-landfall at inaasahan ding magpapaulan ito sa malaking bahagi Ng Mindanao, Visayas at MIMAROPA simula bukas, Pebrero 21.
Dahil dito, naka-posisyon na ang mga kinakailangang kagamitan at sasakyan sakaling may mangyaring flash flood at landslide sa mga lugar na daraanan ng bagyo.
Tiniyak na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ayudang ipamamahagi sa mga pamilyang maapektuhan ng kalamidad.