Naka-red alert na ang Bureau of Fire Protection o BFP para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Itinaas ng BFP ang kanilang alerto bilang paghahanda na rin sa mga posibleng insidente ng sunog sanhi ng mga paputok.
Sa pahayag ng tagapagalita ng BFP na si Fire C/Supt. Renato Marcial, umapela ito sa publiko na hangga’t maaari iwasan o huwag nang gumamit ng paputok
Lalo pa aniya nilang paiigtingin ang kanilang kampaniya upang maging zero fire ang pagsalubong sa taong 2016
Batay sa datos ng BFP, 18 kaso ng sunog ang kanilang naitala na may kinalaman sa paggamit ng paputok nuong huling araw ng Disyembre nang nakalipas na taon.
By: Jaymark Dagala