Nananatiling naka-taas ang alerto ng pulisya at militar sa metro manila ngayong panahon ng kapaskuhan hanggang sa susunod na taon.
Ito’y sa harap na rin ng umiiral na high terror threat kasunod ng mga nangyaring bomb scare sa lungsod ng Maynila kamakailan gayundin ang nalalapit na Miss Universe Pageant na gagawin sa Pilipinas.
Kasunod nito, inihayag ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na nakatutok ang mga awtoridad sa mga posibleng banta sa seguridad.
Nanawagan si Esperon sa publiko na makiisa sa kampaniya kontra terorismo sa pamamagitan ng aktibong pag-uulat sa mga kinauukulan hinggil sa mga kahina-hinalang bagay na maiiwan sa iba’t ibang lugar.
By: Jaymark Dagala