Inalis na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status sa Luzon power grid.
Itinaas ng NGCP ang red alert status sa nasabing power grid kahapon, Hunyo 18 matapos ang naitalang “generation deficiency”.
Pero agad din itong binawi bandang alas-5:30 ng hapon sa kaparehong araw.
Sa kabila nito, batay sa huling pahayag, nasa ilalim pa rin ang Luzon power grid sa yellow alert status o mas mababa rin sa ideal level ang kasalukuyang power reserves.