Muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red at yellow alert ang buong Luzon grid buong maghapon ngayong araw na ito.
Kasunod na rin ito nang pagiging manipis ng reserba ng kuryente dahil sa mga hindi inaasahang pag shutdown ng mga planta.
Ayon sa Department of Energy (DOE), umiiral ang yellow alert alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon, alas-4:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-8:00 ng gabi.
Epektibo naman ang red alert ala-1:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon.
Dahil dito, ipinag-utos na ng DOE ang pagpapatupad ng ILP o interruptible load program.
—-