Kasado na ang pag-welcome ng red carpet para sa prestihiyosong 61st annual Grammy Awards ceremony bukas, araw ng lunes na gaganapin sa Los Angeles, California, Staples Center.
Magsisilbing host ng taunang Grammy awards ang singer-songwriter na si Alicia Keys na dadaluhan naman ng mga biggest star sa music industry ng Amerika.
Umaasa naman ang ilang observers na kikilalanin din dito ang mga hip-hop at women artists.
Hindi pa man nagsisimula ang Grammy Awards, marami na ang mga nanghuhula kung sino ang magwawagi bilang best song at best performers.
Ilan sa mga presenters ay ang grammy nominees at recording artist Kane Brown, South Korean pop sensation BTS, Grammy winners Alessia Cara, Actress Jada Pinkett Smith at actor Wilmer Valderrama.
kabilang pa ang mga performers na sina Grammy winner Lady Gaga, Grammy winner Mark Ronson and Grammy nominee Travis Scott, nominee na si Dua Lipa at ang mga Grammy winners na sina Yolanda Adams, Fantasia, at iba pa.