Magtatayo ang Philippine Red Cross ng 7 first aid stations at welfare desk sa ruta ng traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Aquino Monument, round table malapit sa Manila City Hall, liwasang Bonifacio, Plaza Mexico, Lacson Street, San Sebastian at isang malapit sa Quiapo Church.
Mayroon ding nakapwestong emergency room sa port area kung saan may mga doktor, nurse at technician na reresponde sa mga masusugatan sa traslacion.
Naka-standby na rin ang mga volunteer at staff ng Red Cross para magbigay ng first aid, tubig at iba pa para sa mga debotong mangangailangan ng atensyong medikal.
By: Meann Tanbio