Nagbigay ng paalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko ngayong panahon ng tag-ulan.
Pinayuhan ng PRC na tandaan ang 4Ps tuwing panahon ng sakuna.
Ito ay ang Predict, Plan, Prepare at Practice na dapat isaisip sa lahat ng oras ikaw man ay nasa bahay, eskuwelahan o trabaho.
Kabilang sa mga pag-iingat na dapat gawin ayon sa PRC tuwing may kalimidad ay ang manatili lamang sa loob ng bahay at maging kalmado.
Ugaliin ding makinig ng balita o update sa telebisyon, radyo at social media.
Patayin ang main switch ng kuryente at tubig sa panahon ng pagbaha.
Mainam din na ihanda ang mga flashlight, baterya at mag-imbak ng pagkain, malinis na tubig at first aid supplies.
—-