Umapela ang Philippine Red Cross (PRC) ng donasyon para sa higit 1.3 milyong katao na naapektuhan ng bagyong Nona.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, hindi pa huli upang kahit paano ay mapaparamdam ang Pasko sa mga pamilya na nasa probinsya ng Samar, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Marinduque, Nueva Ecija, Aurora at iba pa.
Hinikayat ang may mabubuting puso na mag-donate sa PRC bank account o kaya naman ay dalhin ang mga donation in kind sa PRC Tower 27 Edsa and Boni Avenue Mandaluyong City o alinmang PRC Chapter office sa buong bansa.
Bukod sa rescue operations ay namimigay din ng relief goods ang PRC sa apektadong lugar.
By Rianne Briones