Photo Credit: PH Red Cross
Nakapag-deploy na ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga tauhan nito sa mga lugar kung saan inaasahang bubuhos ang mga taong papauwi ng mga lalawigan ngayong Semana Santa.
Ipinabatid ni Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon na kahapon pa lamang ay nagpakalat na sila ng dalawang libong (2,000) volunteers.
Sinabi ni Gordon na naghanda na rin sila ng isandaan at limampung (150) ambulansya at tents na magagamit kung kinakailangan.
Priority ng Red Cross ang mga terminal ng bus, pantalan at airports habang sa mga susunod na araw ay mas maraming tauhan silang ide-deploy sa mga tabing dagat, ilog, plaza at mga ibang dinarayong lugar.
—-