Itinaas na ang red rainfall warning sa Mindoro Provinces, Romblon at Marinduque bunsod ng Habagat o Southwest Monsoon.
Ibinabala ng PAGASA ang matinding pagbaha sa mga mababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Nasa orange rainfall warning naman ang Metro Manila, Northern Palawan at Bataan na nangangahulugang nagbabanta ang pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang hazard-prone area.
Nakataas naman ang yellow rainfall warning sa Cavite, Batangas, Pampanga, Rizal at Zambales kaya’t asahan din ang pagbaha sa mga nasabing lalawigan.
Inabisuhan na rin ng pagasa ang publiko maging ang mga Disaster Risk Reduction and Management Office na maglatag na ng precautionary measures. —ulat mula kay Drew Nacino