Iniimbestigahan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang dahilan nang pagkukulay-pula ng tubig mula sa karagatan sa Ozamiz City.
Kumuha na ng sample ng tubig ang mga tauhan ng BFAR para pag-aralan.
Nagbabala rin ang BFAR laban sa pagkain ng mga isdang nagmumula sa naturang “red sea”.
Apat na barangay ang apektado ng phenomenon at nagrereklamo ang mga residente sa mabahong amoy mula sa seawaters.