Pinasisilip ng mga petitioner ng anti-terrorims law sa Korte Suprema ang serye ng red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) at Souhtern Luzon Commander Lt/Gen. Antonio Parlade Jr .
Ayon kay dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, malinaw na nalalabag na hindi lamang ni Parlade kung hindi ng nasabing batas ang Bill of Rights ng mga Pilipino salig sa konstitusyon.
Giit ni Carpio, hindi dapat maging daan ang Anti-Terror Law para akusahan ng mga alagad ng estado ang sinuman na gumaganap lamang ng kanilang trabaho.
Magugunitang pinalagan ni Parlade ang ulat ng Inquirer.net reporter na si Tech Tupas hinggil sa petisyong inihain ng mga katutubong Aeta sa high tribunal laban sa mga pang-aabusong naranasan nila sa kamay ng militar.
Tahasang tinawag na propagandista ni Parlade si Tupas at nagbanta ito na hindi niya titigilan ang mamamahayag hangga’t hindi nito binabawi ang kaniyang naging ulat na aniya’y pawang kasinungalingan.