Kontra si Incoming National Security Adviser Clarita Carlos sa pagre-red tag na wala aniyang magandang resulta.
Sa halip, binigyang diin ni Carlos na pagtutuunan nila ng pansin ang pag resolba sa ugat ng insurgency.
Sinabi ni Carlos na hindi tamang gumamit ng kung anu-anong label at akusahan ang kung sinu-sinong personalidad na komunista dahil tutugunan aniya ng Marcos administration ang mga usapin ng kakulangan ng oportunidad at kawalang katarungan na siyang nagreresulta sa insurgency.
Ayon pa kay Carlos, hindi lamang sa economic life ng bansa nakatutok ang Natinal Security kundi dapat ding makunsider dito ang human, food, energy at water security.