Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng shellfish sa apat (4) na lugar sa bansa dahil sa red tide.
Ayon sa BFAR, nag positibo sa paralytic poison kaya hindi ligtas na kainin ng tao ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha sa sumusunod na lugar:
- Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan;
- Coastal waters of Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;
- Irong-irong, San Pedro, at Silanga sa Western Samar; at
- Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte
Samantala, maari namang kainin ang mga isda, pusit at hipon na makukuha sa naturang mga lugar basta ito ay ikukunsumo habang sariwa at lilinising mabuti bago iluto at kainin.