Nagpositibo sa red tide toxin ang Pangasinan, Pampanga, Bataan at apat pang mga lugar sa bansa.
Ayon kay BFAR Director Undersecretary Eduardo Gongona, positibo sa paralytic shellfish poison ang mga nakuhang shellfish sa mga sumusunod na lugar:
- Sual in Pangasinan;
- Pampanga;
- Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan;
- Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan;
- Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;
- Irong-Irong, San Pedro, at Silanga Bays sa Western Samar;
- Cancabato Bay sa Tacloban City.
Kaugnay nito, pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagkain at pagbili ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa naturang mga lugar.