Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa 10 mga coastal areas sa bansa.
Ayon sa Shellfish Bulletin No. 6 ng BFAR, lumabas sa kanilang laboratory test na ang mga shellfish na nakuha sa 10 mga coastal areas ay pawang mga positibo sa paralytic shellfish poison.
Ilan sa mga lugar na ito ay ang mga sumusunod:
- mga katubigang sakop ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol,
- Balite Bay sa Mati City sa Davao Oriental,
- Dumangquillas Bay sa Zamboanga Del Sur, at iba pa.
Ibig sabihin, ang lahat ng uri ng mga shellfish o lamang dagat ay hindi ligtas na kainin.
Pero maliban sa mga lamang dagat gaya ng isda, pusit, hipon at iba ay ligtas namang kainin basta’t huhugasan itong mabuti.