Nagpalabas ng red tide alert ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa coastal areas ng Bohol, Western Samar, Leyte, at Surigao del Sur.
Nagpositibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa karagatan ng Dauis sa Tagbilaran City, Bohol; Irong-irong Bay at San Pedro Bay sa Western Samar; Cancabato Bay sa Tacloban City; Carigara Bay sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental.
Dahil dito, pinagbabawalan muna ng BFAR ang pagkain ng shellfish at alamang na mula sa mga nabanggit na lugar.