Nakataas pa rin ang red tide alert sa Bacolod City at ilang bahagi ng Negros Occidental.
Ito, ayon kay Bacolod City Agriculture Officer Goldwyn Nifras, ay matapos magpositibo sa toxin ang mga karagatang sakop ng mga naturang lugar.
Giit ni Nifras, hangga’t hindi nag-negatibo ang resulta ng tests ay hindi nila babawiin ang ipinalabas nilang red tide alert.
Sinasabing apektado ng red tide ang Punta Taytay, Magsungay, at reclamation area.
Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal ang pangunguha ng shellfish at alamang habang ligtas naman umanong kainin ang mga isda, hipon, pusit at alimango sa mga naturang lugar.
By: Jelbert Perdez