Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish mula sa karagatang sakop ng ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa BFAR, lumabas sa laboratory testing na positibo sa red tide toxins ang mga shellfish na nakolekta sa karagatang sakop ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Western Samar; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at Ormoc Bay, Ormoc City sa Leyte.
Gayunman, ipinabatid ng BFAR na ligtas namang kainin ang isda, posit, at alimasag mula sa mga nabanggit na coastal areas, bagamat kailangang linising mabuti ang mga ito at alisin ang hasang at lamang loob bago iluto.