Nagpositibo sa red tide ang mga lamang dagat na makukuha sa ilang anyong tubig sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa inilabas na ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi anila ligtas ang mga lamang dagat o shellfish sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay sa Negros Oriental; coastal waters sa Calubian sa Leyte; Dumangquillas bay sa Zamboanga Del Sur at iba pa.
Paliwanag ng BFAR, ang mga shellfish sa mga nabanggit na anyong katubigan ay positibo sa paralytic shellfish poison.
Partikular na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng alamang.
Sa kabila nito, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t maayos lamang itong huhugasan.