Inaabisuhan ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko sa pag-aani, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish mula sa iba’t ibang baybayin na apektado ng red tide toxin.
Batay sa shellfish bulletin No.14 na ipinalabas ni BFAR Director Eduardo Gongona, positibo sa red tide toxins ang mga nasabing baybayin batay sa isinagawang pagsusuri ng kanilang mga eksperto.
Kabilang sa mga karagatan na apektado ng red tide toxin ay ang bayan ng Dauis sa Bohol gayundin ang mga bayan ng Bolinao at Anda sa Pangasinan.
Gayunman, nilinaw ni Gongona na ligtas pa ring hulihin, ibenta at kainin ang mga isda sa nabanggit na mga lugar ngunit pinapayuhan lamang ang publiko na linisinng mabuti at tanggalan lamang iyon ng hasang at bituka bago lutuin.
By: Jaymark Dagala