Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish sa dagat ng Bolinao, Pangasinan.
Ito’y matapos magpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o red tide toxins ang naturang pagkain.
Pero ayon kay BFAR Region I Regional Director Rosario Segundia Gaerlan, ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na ma-aani sa nasabing dagat basta’t ito ay hugasan ng maigi. – sa panulat ni Airiam Sancho